Maging mulat ang mga tauhan o empleyado at ilang residente ng Barangay sa information technology na nararapat sa ngayon. Makapagbigay kaalaman sa mga residente na walang kaalaman sa computer. Mapabilis ang pakikipagtalastasan ng Barangay sa ibang ahensya ng pamahalaan.
Panahon ng Pagpapatupad:
Ito ay ipinatupad noon pang 2008 matapos na makatanggap ng isang computer at Internet service ang Barangay mula sa Provincial Government ng Bulacan.
Resulta / Suliraning Nabigyan ng Solusyon:
Natuto sa paggamit ng computer ang ilang empleyado ng Barangay. Naisaayos ang mga record ng Barangay, health center, day care. Ang mga estudyante na nagsisipagresearch ay nagagamit din ng libre ang mga computer. Ang pamilya ng mga OFW na di kayang bumili ng computer o bumayad sa mga internet shop ay nagagamit din ang aming mga computer tuwing araw ng Sabado at Linggo upang makausap nila ang kanilang mga mahal sa buhay sa ibang bansa. Ang barangay din ay kumikita sa paggawa ng Satellite Map sa mga ibang barangay at subdivision Developer (natutunan namin ang paggawa nito sa programang itinuro ng isang IT Expert. Ang barangay ngayon ay may 5 computer, 3 nito ay nakakonekta sa internet.
Halaga ng Nagastos:
Internet (Php900/month) 2 computer (used) Php15,000.00, 1 unit Brand new, Donation Provincial Capitol, 2 pcs. Printer (donation) Misc. 6,000.00
Layunin ng Proyekto:
Layunin ng Proyekto:
Maiparating sa mga residente ng Barangay ang mga pangyayari, mga proyekto, gugulin at iba pang impormasyon patungkol sa barangay. Dito ay itinatala ang mga gugulin at proyekto na ipinatupad at planuhin pa. Mga balita sa loob at labas ng Barangay.
Panahon ng Pagpapatupad:
Ito ay ipinatupad noon pang 2003 at ang sipi ay 1 hanggang 2 beses isang taon.
Resulta / Suliraning Nabigyan ng Solusyon:
Naging mulat ang mga residente sa mga pangyayari sa barangay. Nalaman nila ang mga gugulin sa barangay. At sila ay nabibigyan ng pagkakataon na maibigay ang kanilang mga opinion sa pahayagan. Ang pahayagan ay nagtatampok din ng mga residente na may nagawang ambag sa ikabubuti ng Barangay at sambayanan.