Ang nayon ng Tangos ay ipinangalan sa isang guardia Civil na Kastila na ayon sa alamat ay napakabait ay matulungin. ANg pangalan daw ng Kastilang ito ay SeñorLudigivico Villafrancano. Lagi raw nagdadala ng saku-sakong bigas at asukal ang Kastilang ito para sa mga tagarito.
Señor Ludigivico Villafrancano, napakahirap nga namang bigkasin ang pangalan niya kaya't binansagan na lamang siya ng "Tangos" ng mga tao sapagkat talagang matangos ang kanyang ilong. Dahil sa kanyang pambihirang kabutihan sa mga hamak na "Indio" ay nakainitan tuloy si "Tangos" ng matataas na pinunong Kastila hanggang sa siya raw ay ipapatay.
Kaya't mula noon ay Tangos na ang intinawag ng mga tao sa pook na ito - bilang paggunita sa naging kaibigan nilang mabait na Kastila.
Kung kayo ay patungong Candaba o Kabukiran, ang unang madaratnan ninyong barangay pagdaan ng Baliuag-Candaba road ay Tangos.
Ang Tangos ay dating sakop ng Sto. Cristo tulad ng kalapit na Barangay Pagala. Ito ay may sariling mababang paaralan - ang Jacinto Ponce Elementary School - na nayari noong 1959. Ang kinatitirikan nito ay dating bahagi ng palayang ari ngnasirang Jacinto Ponce, nmakababatang kapatid ng bayaning Mariano Ponce.
Noong araw ay sa kapilya pa ng Pagala nagsisipag-aral ang mga bata kaya't nang magmagandang-loob ng mahigit sa kalahating ektarya ang tagapagmanang si G. Ramon Ponce noong 1958 ay sinimulan ang pagpapagawa ng naturang paaralan.