Walang ginugugol ang barangay. Ang lathalain ay pinondohan ng Sponsorship mula sa mga negosyanteng inaanunsiyo sa pahayagan.
Iba Pang Impormasyon:
Isang maliit na proyekto subalit nagbibigay kaalaman sa mga pangyayari sa loob ng Barangay. Hindi lahat ng barangay ay may sariling pahayagan.
Layunin ng Proyekto:
Maiparating sa mga residente ng Barangay ang mga pangyayari, mga proyekto, gugulin at iba pang impormasyon patungkol sa barangay. Dito ay itinatala ang mga gugulin at proyekto na ipinatupad at planuhin pa. Mga balita sa loob at labas ng Barangay.
Panahon ng Pagpapatupad:
Ito ay ipinatupad noon pang 2003 at ang sipi ay 1 hanggang 2 beses isang taon.
Resulta / Suliraning Nabigyan ng Solusyon:
Naging mulat ang mga residente sa mga pangyayari sa barangay. Nalaman nila ang mga gugulin sa barangay. At sila ay nabibigyan ng pagkakataon na maibigay ang kanilang mga opinion sa pahayagan. Ang pahayagan ay nagtatampok din ng mga residente na may nagawang ambag sa ikabubuti ng Barangay at sambayanan.