Matulungan ang mga pili at karapatdapat na mag-aaral sa kolehiyo sa Barangay sa mga gugulin sa kanilang pag-aaral. Magkaroon ng partisipasyon ang Pamahalaang barangay sa pagtaguyod ng Edukasyon sa mga kabataang gustong makapag-aral, at makatuwang ng Pamahalaan upang magkaroon ng edukasyon ang bawat kabataan.
Panahon ng Pagpapatupad:
Ito ay sinimulan noong Setyembre, 2009.
Resulta / Suliraning Nabigyan ng Solusyon:
Ang halagang 2,500.00 na ibinibigay sa 40 na mag-aaral sa kolehiyo ay di kalakihan subalit, naipapakita ng pamunuan ng barangay na di sagabal ang liit ng pondo upang hindi makapagpatupad ng ganitong proyekto sa barangay. Sa buong Baliuag ay ang Barangay Tangos lamang ang may ganitong proyekto. At nakatutuwang nadagdagan ang mga mag-aaral sa kolehiyo sa barangay Tangos, karaniwan ng mga bagong mag-aaral na ito na nakikinabang sa programa ay dating mga out of school youth.
Scolarship Program
Programang pang Edukasyon
Halaga ng Nagastos:
Ang proyekto ay pinondohan ng Barangay ng Php50,000.00 na tinambalan naman ng DBTI ng Php50,000.00 para sa halagang P100,000.00 may 40 mag-aaral sa kolehiyo ang nabibiyayaan dito.
Iba Pang Impormasyon:
Ang 40 na mag-aaral sa kolehiyo na aming benepisyaryo ay amin ding inilapit sa tanggapan ni Cong. Pedro Pancho upang makakuha naman ng halagang tulong Pinansiyal sa Pag-aaral, upang lalong maipagpatuloy ng mga kabataang ito ang kanilang pag-aaral.