Matulungan ang mga may sakit sa barangay sa mga tamang gamot na kanilang pangangailangan. Madagdagan ang bilang ng nabibiyayaan mula sa pondong inilaan sa proyekto.
Panahon ng Pagpapatupad:
Ito ay amin ng ipinatutupad mula pa noong 2004 hanggang sa ngayon.
Resulta / Suliraning Nabigyan ng Solusyon:
Sa pamamagitan ng pagbili ng gamot sa wholesale price ay higit na madaming gamot ang aming nabibili. Walang SOP at dahil sa direkta na kami sa kumpanya at dati ng kumukuha dito ay nabibigyan kami ng terms sa pagbabayad. Kung kaya’t kahit wala pang budget na dumadating ay nakakakuha na kami. At dahilan upang tuloy-tuloy ang aming supply ng gamot sa barangay. Pati ang mga gamot na pang mintina ng mga senior citizen, sa kanilang gamot sa high blood, diabetes, at bitamina at mga sakit sa baga na mga bata at matanda ay amin na ding nabibigyan.
Iba Pang Impormasyon:
Sinasabi ng iba na dapat daw ay magtayo na lamang ng botika sa barangay at doon ay ibenta na lamang ng mura ang mga gamot. Subalit ang aming katuwiran ay sa ganitong paraan lamang namin mapaglilingkuran ang aming barangay ang ipamigay ito ng libre. Sapagkat karaniwan ang mga mamamayan ay di nararating ng tulong medical ng pamahalaan. At nais namin na iparamdam sa kanila na may pamahalaang tumutulong sa kanilang pangangailangan.
Medical Mission
Composing a medical mission are volunteer medical specialists, , community organization experts.
layunin ng proyektong ito na masuri ang kalusugan ng mga mamamayan at naninirahan sa barangay Tangos, upang masalusyunan o maagapan ang kanilang karamdaman para sa masarap at malusog na pamumuhay
Kahit di umaasa sa pamahalaang lokal. Maipagmamalaking bihira sa aming barangay ang nakararating pa sa munisipyo para sa kanilang pangangailangan sa gamot.
Halaga ng Nagastos:
Ang aming budget sa gamot ay Php100,000.00 kada taon, subalit ito ay halos tatlong doble ang dami ng supply dahil sa mura ang presyo subalit may kalidad. See Price Comparison) on price list.