Layunin ng Proyekto:
Mapagbigyan ng mura at disenteng serbisyo ang mga kasapi ng Damayan. At makapagbigay pondo sa Barangay at makapagbigay ng pagkakakitaan sa ilang mga barangay na naging Empleyado nito. Sapagkat dati rati ang ibinibigay ng samahan na halagang P15,000.00 ay kulang pa at sila ay nagdadagdag pa ng 3,000.00 hanggang 5,000.00 sa bayad sa serbisyo. At sapagkat ang DBTI ay nagtatag din ng samahan na tulad ng sa Damayan ay sa LA Funeraria Damayan sila kumukuha ng serbisyo. At sila naman ay tinutulungan naming na makalikom din ng pondo nilang sarili. Panahon ng Pagtupad: Ito ay sinimulan noong Setyembre, 2007. Resulta / Suliraning Nabigyan ng Solusyon: Ang halagang Php15,000.00 na dating ibinibigay ng samahan sa pagbabayad serbisyo at ibinabayad sa ibang Puneraria ay sa La Funeraria Damayan na napupunta. At ang Pamilya ng namatayan ay amin pang sinosolian ng halagang Php3,000.00 sa katulad ding serbisyo sa iba. Nagkaroon din ng hanapbuhay ang 12 pamilya ng mga tauhan sa Barangay na naging Empleyado nito. Kumikita rin ang ibang kabarangay sa pamamagitan ng Paggawa ng korona ng bulaklak at kandila na ginagamit sa puneraria. Ang barangay din ay kumikita sa pamamagitan ng upa ng Puneraria sa gusali na pagmamay-ari ng Barangay. Nabawasan na din ang lumalapit sa pamahalaang Lokal at Provinsiyal para sa tulong ng pagpapalibing. Halaga ng Nagastos: Maipagmamalaking walang ginugol ang samahan o mga kasapi nito sa pagtatayo ng Hanapbuhay na ito. Ang pinagumpisahang puhunan lamang ay ang bigay na Karo ni Cong. Pedro Pancho at sa tulong at tiwala ng mga supplier ng mga gamit dito. Sa ngayon ay nakapagpundar na ang samahan ng 2 karo (800,000), mga ilaw, (280,000), iba pang gamit 480,000, o may kabuuang 1.5 milyong piso. Ito ay naipundar mula sa kinita ng Puneraria mula noong Setyembre 2007. At sa ngayon ay nakalikom uli kami ng halagang P500,000.00 na aming ibabalik kita (dibidendo) sa mga kasapi ng DBTI. Iba Pang Impormasyon: May 300 na naserbisyuhan ng La Puneraria Damayan mula ng matatag nung Setyembre, 2007, at kumita na ng may kulang 2 milyon. May 22 na naserbisyuhan na libre mula sa iba’t-ibang Barangay. (yaong talagang sobra ang hirap). At maipagmamalaking maging mga matataas na pinuno ng bayan, maging ang mga punong barangay ay sa amin lumalapit para sa mura at minsan ay libreng serbisyo. Dati rati ay kami ang lumalapit sa kanila. |
LA FUNERARIA DAMAYAN Solusyon sa problemang Pinansiyal ng DBTI. Libreng serbisyo sa mga kasapi at P3,000.00 tulong Pinansiyal at Disente at abot kayang serbisyo sa mga kanugnog na Brgy. Ang proyektong ito ay sa pagtutulungan ng mga kasapi at pamunuan ng DBTI at Sangguniang Barangay ng Tangos Organizational Chart (DBTI)List of Deceased Members
|
MGA ALITUNTUNIN AT PATAKARAN (Rules and Regulations) 1. Ang maaaring sumapi sa samahan ay ang mga naninirahan na ng limang buwan o higit pa, at lehitimong residente ng Barangay Tangos. 2. Ang sinomang nagnanais sumapi ay kinakailangang isulat sa Application Form ang talaan ng kanyang pamilya, pangalan, edad, kaarawan at relasyon sa principal na kasapi, matapos niyang basahin at maunawaan ang mga alituntunin at patakaran ng pagsapi sa samahang ito. 3. Ang kamag – anak o ibang tao na nakikitira lamang sa bahay ay hindi maaaring isama sa talaan ng kasapi o makikinabang. 4. Ang isang kasapi ay kinakailangang magbayad ng itinakdang membership fee na pinagtibay ng Lupong Patnugutan. 5. Ang bawat kasapi ay bibigyan ng Membership Certificate bilang katibayan kung saan ay nakatala dito ang pangalan ng kanyang mga kasambahay na maaaring tumanggap ng benepisyo sa panahon ng pangangailangan. 6. Sa isang pamilyang kasapi, kapag nag – asawa na ang anak, sila ay bubukod na bilang bagong kasapi ng samahan at magbabayad lamang ng kalahating halaga ng Membership Fee. 7. Matapos sumapi at magbayad ng kaukulang Membership Fee ay kinakailangan pa munang palipasin ang labinglimang (15) araw bago siya masabing isang lehitimong kasapi at magkaroon ng karapatang tumanggap ng anomang benepisyo. Maliban na lamang na ang isang sumapi ay biglaang namatay dahil sa isang sakuna o aksidente. 8. Kalahati lamang ng benepisyo o limampung porsiyento (50%) ang halagang matatanggap ng isang kasapi kung ang namatay ay may edad na tatlumpung (30) araw hanggang tatlong taong gulang at kalahati rin ang magiging singilan. 9. Kung ang kasapi ay nagdadalantao at nanganak ay kailangang palipasin muna ang tatlumpung (30) araw bago ang bata ay maidagdag o maisama sa talaan ng kanyang beneficiary. 10. Ang isang kasapi na ipinamigay o ipinaampon ang kanyang anak sa ibang tao ay agarang buburahin o aalisin sa talaan ng kanyang mga makikinabang o beneficiary. 11. Ang isang kasapi ay may obligasyong magbigay ng itinakdang halaga na dapat bayaran ayon sa ipinasya ng Lupong Patnugutan sa bawat kasaping namatayan. Hal. Kung may dalawang sabay na namatay ay nararapat siyang magbigay ng animnapung piso (Php 60.00) kung tatlumpong piso (Php 30.00) ang itinakdang bayarin sa bawat patay. 12. Ang isang kasaping pumanaw o sinoman na nakatala sa kanyang Membership Certificate ay tatanggap ng kaukulang benepisyo o halagang itinakda ng Lupong Patnugutan. 13. Kung sakali na may dumating na hindi inaasahang kalamidad at humigit sa sampung (10) kasapi ang namatay ay kinakailangan ang madaliang pagpupulong ng Lupong Patnugutan upang maisaayos at mapagpasiyahan ang posibleng pagbibigay ng tulong ayon sa mapagkasunduan at sinang - ayunan ng nakakarami. 14. Sa pagpanaw ng kasapi o sinomang nasa talaan ng kanyang mga beneficiary ay kinakailangang ipagbigay alam kaagad sa Lupong Patnugutan (BOD) o coordinator na nakasasakop sa kanilang purok o Zone, kasabay ng pagsasaayos at pagpapakita ng kaukulang papeles o death certificate atbp. 15. Ang Lupong Patnugutan ay may karapatang mag – alis sa listahan ng mga delingkwenteng kasapi na napagkaisahan o sinang –ayunan ng nakararami at hindi na kinakailangan pang konsultahin ang miyembro kung siya ay patuloy ang kanyang pagsasawalang bahala sa mga kalatas o paulit – ulit ang kanyang pagsuway sa mga alituntuning itinakda ng samahan. 16. Ang kasaping hindi nakabayad ng tatlong beses na sunod – sunod ay hindi makatatanggap ng anomang benepisyo kung sakali at nagkataon na may biglaang pumanaw sa kanila. 17. Ang isang kasaping lumipat sa ibang lugar ngunit patuloy pa ring nagbabayad ng kanyang obligasyon ay may karapatan pa ring makatanggap ng mga benepisyo mula sa samahan maliban ang paggamit ng mga kagamitan ng DBTI gaya ng mesa, upuan at tent. 18. Patuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga kaspi hangga’t may tumatangkilik. Pinagtibay at sinang – ayunan ng mga bumubuo sa Lupong Patnugutan na kumakatawan sa lahat ng kasapi ngayong ika – 28 ng Marso, 2009 dito sa Pamahalaang Barangay ngTangos, Baliwag, Bulakan. JOSE V. CLAUDIO ROSALINA C. PALMA DANTE L. GALANG ELENITA L. QUIZON Pangulo Pang. Pangulo Kalihim Ingat – Yaman BERNARDO B. GONZALES JOSENITO B. HIZON CLEMENTE S. LABAO DOMINGO LIM Pangulo - Lupong Patnugot Lupong Patnugot Lupong Patnugot Lupong Patnugot ALFREDO ANGELES MAGDALENA BALTAZAR RUBEN RAMOS RENATO RAMOS Lupong Patnugot Lupong Patnugot Lupong Patnugot Lupong Patnugot VICTORINA CASTRO LORNA E. BOJANGIN ENRICO DE LA MERCED LOURDES VICTORINO Lupong Patnugot Lupong Patnugot Lupong Patnugot Lupong Patnugot
|
Financial Income 2008
Financial Income 2009
Financial income 2010
Income La funeraria damayan 2011
|