7 kababaihan at ang kanilang pamilya ang nabigyan ng pagkakakitaan, sila ay kumikita ng 200 piso o higit pa isang araw. Pandagdag sa kanilang gastusin sa pamilya (karaniwan ay sa gabi lang nagtitinda).
Halaga ng Nagastos:
7 pcs. Portable Store Booth (P3,500.00 each) - P24,500.00
7 kababaihan x 2,000.00 (puhunan) - P14,000.00
iba pang kagamitan, kalan, timbangan, etc. - P11,500.00
P50,000.00
Sa darating na mga araw ay amin itong dadagdagan matapos makolekta ang araw na hulog ng mga benepisyaryo. Target ng Pamunuan na gawin itong 20 tindahan at bagong benepisyaryo bago matapos ang taon. At taon taon ay magdaragdag ng 10 benepisaryo
Kinausap na rin namin ang pamahalaang lokal at iba pang mga punong barangay na payagan ang mga mabibiyayaan ng proyekto na pumuwesto sa mga pampublikong lugar sa nasasakupan ng Bayang Baliuag, halimbawa, peryaan, basketball court, ilalim ng flyover at gilid ng mga daan.
Layunin ng Proyekto:
Mabigyang pagkakakitaan ang ilang piling kababaihan na walang hanapbuhay.
Panahon ng Pagpapatupad:
Ito ay inumpisahan noong Abril 20, 2010 at may 7 kababaihan ang nabiyayaan. Ang bawat benepisyaryo ay papahiramin ng isan portable store booth. At bibigyan ng 2,000.00 na halaga ng produktong kanilang nais itinda. Ang barangay ang magbabayad sa produktong kanilang itinitinda. At ang halagang 2,000.00 na paninda na ito ay huhulugan nila ng P25.00 kada araw/ sa kabuuang 100 araw. Ang kabuuang halaga na malilikom sa 100 araw ay 2,500.00. At ang sobrang P500.00 ay iipunin upang makabuo naman ng dagdag na tindahan muli para naman sa mga bagong kababaihan na nais magkaroon ng munting negosyo. Ilan sa mga munting negosyo na pinaglagyan ng 5 benepisyaryo ay, ihaw-ihaw, prutas, balot at Mini talipapa (gulay, isda, karne), at fish ball. Sinadya ng pamunuan na hindi pera ang direktang ibigay na puhunan sa mga benepisyaryo. Upang hindi magamit ang naturang halaga sa ibang gastusin at hindi sa binabalak na negosyo.