Matulungan ang sector ng Magsasaka ay maliliit na mag-gugulay sa Barangay. Ito ay sa pamamagitan ng sariling pondo ng Barangay. Bagamat hindi sapat sa kanilang talagang pangangailangan ay kahit paano ay may partisipasyon ang Pamunuan para sa kapakinabangan ng mga maliliit na magsasaka. Sila ay bibigyan namin ng isang kabang binhi ng high value palay seedling para sa mga nagtatanim ng palay at mga binhi naman ng gulay para sa mga nagtatanim nito. Sila din ay binibigyan namin ng organic pertilizer na galing naman sa pamahalaang nasyonal.
Panahon ng Pagpapatupad:
Ito ay amin ng ipinatutupad mula pa noong 2004 hanggang ngayon.
Resulta / Suliranin Nabigyan ng Solusyon:
Magkakaroon taon-taon ng iba’t-ibang binhi ang magsasaka. Sapagkat ang aming mga binhi na ipinamigay ay mga Certified Seed na maaari din nilang gawing binhi ang aanihin. Kung kaya’t dumadami ang binhi ng nagagamit ng mga iba’t-ibang magsasaka. Na nagbibigay ng karagdagang ani sa kanilang produksyon ng palay. 32 magsasaka at 6 na maggu-gulay ang aming nabiyayaan ng programa taun-taon.
Layunin ng Proyekto:
Ang aming budget para dito ay P35,000.00 taun-taon o may mahigit ng Php 200,000 sa loob ng 6 na taong programa.
Iba pang impormasyon:
Tanging ang Barangay Tangos ang may ganitong programa sa mga magsasaka. At kahit hindi gaano kalaki ang pondo ay napagsusumikapan namin na maipatupad ito ng tuluy-tuloy.